Friday, June 11, 2010

My humble beginning as Our lady's servant


Ang Imahe ng Santo Rosaryo ay regalo sa akin ng mama ko para sa graduation at nanatili sa aming bahay dito sa gagalangin tondo. nilimusan namin siya sa kanyang dambana sa Manaoag Pangasinan noong Oktubre 25, 2008. kaya yun ang bingay kong pangalan sa kanya. wala kasing gantong santo na pwedeng limusan sa sto. domingo. sakay ng jeep pababa ng binalonan at bus papamuntang maynila. pag sakay ko ng bus pauwi ng maynila, may matandang babae na humaplos sa birhen tapos maiyak-iyak, ayoko rin naman tignan baka maluha ako... :-)

Sa kanyang pagdating aming bahay dito sa tondo, ilang oras lang binilang at, maraming deboto ng mahal na birhen ang sumalubong, lumapit at nagdasal para sa pansariling kahilingan. maraming nakakapansin na sa tuwing darasalan ang birhen, may nakapagsabi nga na pag tinitigan mo siya ngingiti siya sayo.

Isang himala ang kanyang ginawa nang may mag-asawang lumapit sa kanya na dalawang taon ng kasal. bumilang ang Isang buwan at agad nagdalang tao ang babae.

Ang ikalawa ay may inang lumapit na hindi makapagsalita ang anak sa edad na lima. bumilang ang ilang araw at nakapagsalita ang batang babae.


Ipinagdiriwang ang kapistahan ng Our lady of the Most Holy Rosary, Manaoag de tondo sa pamamagitan ng 9 na araw ng novena bago dumating ang Ika-25 ng Oktubre.

kasama ko ang legion of mary, virgin most chaste chapter sa pagdarasal ng sto. rosaryo pag may okasyon :-) bukas ang aming bahay dito sa tondo para sa mga gustong makita at dasalan yung birhen :-)

paano yun, deboto ako ng rin ako la naval, pwede ko rin ba siyang tawagin sa ganung pangalan? o panatalihin ko nalang yung manaoag?


<===== picture ko kasama ko yung aking "alaga :-)"

















sa kanyang customized na carozza ================>